Frontliners na ayaw magpabakuna kontra Covid-19 hindi pipilitin

SORSOGON CITY- Hindi pipilitin ng Sorsogon City Health Office ang mga health workers na ayaw magpaturok ng bakuna kontra Covid -19.

Sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon, ipinaliwanag ni Dr. Rolando Dealca na walang panahon upang hintayin nila ang mga frontliners na hindi desididong magpa vaccine dahil marami pang mamamayan ang nais na maturukan na ng bakuna sa lalong madaling panahon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Binigyang diin ng opsiyal na batay rin sa abiso ng Provincial Government, dapat nang gamitin ang mga suplay ng bakuna na ibinababa sa lungsod ng Sorsogon upang matiyak na nama-maximize ang roll-out ng vaccine.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Dagdag pa ni Dealca, binibigyan umano nila ng refusal certification ang ilang frontliners na ayaw talaga na magpaturok ng bakuna.