Free wifi sa mga pampublikong lugar matutupad sa ilalim ng Marcos Admin – DICT

Kinumpirma ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Ivan John Uy na kasama sa natalakay sa unang cabinet meeting na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ay ang pagpapalakas ng internet connectivity sa bansa.

Ayon kay Uy ginagawan na nila ito ng paraan subalit mayroon pa ring hamon lalo na sa mga liblib at malalayong lugar.

Read More:  CAAP tightens preparations for Super Typhoon Inday

Inihayag naman ni Uy na kahit papaano ay malaki ang naging improvement sa internet connectivity simula noong pumasok ang Duterte administration.

Malaking tulong naman ayon sa kalihim ang pagpasok ng 3rd Telco para bumilis at naging mura ang internet service sa bansa.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Samantala, siniguro naman ni Uy na mangyayari sa loob ng administrasyon ni Pangulong Marcos ang matagal nang pinapangarap na libre at malakas na wifi sa mga pampublikong lugar sa buong Pilipinas.