Muling inihain ni Senador Juan Miguel Zubiri sa 19th Congress ang SIM Card Registration Bill at ang panukalang lumikha sa Department of Water Resources.
Sa isang text message sa mga mamamahayag, sinabi ni Zubiri na ang SIM Card Registration Bill na kanyang inihain ay hindi kasama ang probisyon sa social media.

Matatandaang na-veto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang SIM Card Registration Bill na ipinasa noong 18th Congress, dahil hindi umano ito sang-ayon sa pagsasama ng social media sa panukala nang hindi nagbigay ng tamang guidelines at depinisyon dito.
Maliban dito ni-refile din ng Senador ang panukalang batas na naglalayong lumikha ng Department of Water Resources.
Ang naturang panukala ay una nang itinulak sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Gayunpaman, ilang mga panukalang batas na naglalayong bumuo ng Department of Water ay hindi natugunan sa senate committee level sa nakaraang 18th congress.