Senador, isinusulong ang pagkakaroon ng POGO Zone

Isinusulong ngayon ng isang senador ang pagkakaroon ng POGO Zone upang hadlangan ang krimen na may kinalaman sa naturang industriya.

Sinabi ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, chairman ng committee on public order and dangerous drugs, na dapat i-shut down ng gobyerno ang lahat ng operasyon ng POGO o ipatupad ang mga mahigpit na regulasyon tulad ng paglalagay sa mga ito sa isang lugar para sa strict monitoring.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sinabi ni Dela Rosa na wala pa siyang natukoy na potensyal na lugar para sa naturang zone.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Aniya, ang pagkakaroon ng “POGO Zone” ay magiging mas madali para sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na i-regulate ang mga operasyon nito.//CA