FR, patay sa likidasyon ng dating kasamahan sa hukbo

‘Dead on the spot’ ang isang former rebel (FR) matapos na pagbabarilin sa sabungan sa Brgy. Guinlajon, Sorsogon City, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Rey Esposado alyas Ka Rigorr, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Almendras-Cogon, East District, Sorsogon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Sorsogon City Police, naglalakad mula sa canteen area ng sabungan ang biktima nang bigla na lamang itong pinagbabaril ng dalawang suspek.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Makikita sa CCTV footage na mula sa likuran ay unang binaril ang biktima sa ulo hanggang sa humandusay ito.

Sinigundahan pa ng baril ng isa pang suspek kahit nakadapa na ang biktima mula sa pagkakahandusay nito.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis sa pagkakakilanlan ng dalawang lalaking suspek na agad na tumakas sa hindi pa malamang direksyon.

Samantala, inako na ng Bagong Hukbong Bayan-Celso Minguez Command ang nasabing pamamaslang.