Fr. Occiano ng Archdiocese of Caceres, nagpasalamat sa Santo Papa kasabay ng pagtanggap sa katungkulan sa Diocese of Virac,  Catanduanes

NAGA CITY- Buong pusong nagpasalamat si Archdiocese of Caceres Commission on Communication head Fr. Louie Occiano kay Pope Francis sa pagtatagalaga sa kanya bilang Obispo ng Diocese of Virac, Catanduanes.

Sa misa sa Archdiocesan Shrine and Parish of St. Joseph sa San Jose, Camarines Sur, aminado itong nagdalawang isip siya noong malaman dahil baka hindi siya karapat-dapat pero tinatanggap niya na ito.  Una nitong pinasalamatan ang Dios , gayundin si out-going si Archdiocese of Caceres  Rev. Rolado J. Tria Tirona OCD,DD.  Aniya papanatilihin niya kung paano siya nakilala ng mga parishioners’ nag-iba man ang katungkulan.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting
Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Humingi rin ito ng panalangin sa mga taga Naga at Camarines Sur para sa kaniyang bagong misyon. Hahalili si Occiano sa  tatlong dekadang Obispo sa Virac na si Bishop Manolo delos Santos.