Estrada – sinabing i-restore na lang ang budget ng OVP para mag function ng maayos

Sinabi ni Senator Jinggoy Estrada sa mga mambabatas na ibigay sa Office of the Vice President (OVP) ang panukalang P2 bilyong budget para sa 2025 upang mag function ito ng maayos.

Ito nga ay matapos ma-defer ang deliberasyon ng budget ng OVP 2025.

Read More:  Leviste urges House to resume flood control probe

Ayon kay Estrada, paano magpa-function ng maayos ang OVP kung tatapyasan ang pondo nito.

Aniya, si Vice President Sara Duterte ang pangalawa sa may pinakamataas na posisyon sa bansa kaya nararapat lamang na siya ay bigyan ng respeto at dignidad.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Giit naman ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo, na ang rason ng pag-cut ng budget para sa 2025 ay dahil sa kulang ang impormasyon ng naturang proposal.

Samantala, ang naturang diskusyon hinggil sa OVP budget ay nakadepende pa rin sa plenary.