FPJ, inalala ng kanyang mga fans ngayong Undas

Ilang taon na ang nakalipas nang mamatay si Fernando Poe Jr o binansagang The King pero nanatiling buhay pa rin ang kanyang ningning.

Nagmala blockbuster ang puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery dahil dinagsa ito ng kanyang mga supporters.

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

Isa na rito ang fan at kalook-alike ni The King na si Bobby Henson.

Ayon kay Bobby, pinaglihi siya ng kanyang nanay sa yumaong aktor.

Kwento naman ng tagahahanga, kinuha siya ni FPJ sa pelikula nila Vilma Santos na ‘Ikaw lang ang Mahal Ko.’

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

Sinabi rin ni Bobby na ang tawag nila sa namayapang aktor ay manager dahil kahit sinumang lumapit dito ay pinagbibigyan niya.

Bukod dito, hindi rin nakalimutan ng mga fans na magbigay-pugay sa asawa ni The King na si Susan Roces