Nabuhayan ng pagasa na makapasok ang Philippine National Women’s Football Team sa 2024 Olympics na gaganapin sa Paris, France.
Ito’y matapos magwagi ang Filipinas laban sa Iran sa iskor na 1- 0 sa AFC Olympic Qualifying Tournament sa Perth, Australia.
Pinasok ni Tahnai Annis ang goal na nagpapanalo sa koponan ng Pilipinas sa huling 19 minuto ng laro.
Maalalang nanganib ang Philippine team na mag-qualify sa Paris game nang talunin ng Australia sa 8-0 noong linggo.
Batay sa naging resulta ng laro, nananatiling bukas ang pinto para mag-qualify ang Filipinas sa 2024 Olympics.
