Mga bumisita sa MSC, mas marami ngayong taon

Mas mataas ang bilang ng mga bumibisita sa Manila South Cemetery kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay Jonathan Garzo, director ng Manila South Cemetery, walang patid ang pagpasok ng mga tao at isang oras bago magsara ang sementeryo ay nakapagtala ito ng mahigit 300K katao.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Dagdag pa ni Garzo, sa kabila ng buhos ng ulan ay tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao.

Read More:  3 Vietnamese arrested over illegal dental practice in Cebu

Paalala ng director, hanggang 5PM lang talaga ang pagdalaw sa Manila South Cemetery ngayong Undas.