Mahigit sa apat na libong combantant ng Moro Islamic Liberation Front ang makakatanggap ngayon ng bigas na handog ni Maguindanao del Norte Governor Abdulraof Macacua sa pamamagitan ng programa nitong Bigas ni GOV SAM.
Sa pamamagitan ni Provincial Administrator Dr. Tomanda Antok at Provincial Chief Division of Material and Quality Control Engr. Datu Heiri Pagayao at mga board member ng lalawigan ay sabay-sabay na itinurnover ang mga ito sa tatlong base commander ng MILF na syang ipapamahagi naman nila sa kanilang mga combatants.
Sinabi ni Antok na ang pondo ay mula sa emergency fund ng Pamahalaang panlalawigan at inaasahan na isusunod nito ang mga residenteng naapektuhan ng nagdaang kalamidad mula sa labing dalawang bayang sakop ng probinsya.
Sisikapin umano ng Provincial Government na makarating ang lahat ng mga programa ni Gob Sam sa mga residente at upang patunayan na walang mamamayang maiiwan sa mga programang tulad nito mula sa Pamahalaan.(Jom Dimapalao)