Tamontaka BLGU nagsalong ng barret

Isinalong ng Barangay Officials ng Tamontaka 2 dito sa lungsod ang isang 50 caliber barret na itinurnover ng isang residente ng lugar kay Cotabato City PNP Director Police Col. Joel Estares.


Pinangunahan ni Barangay Tamontaka 2 Chairman Datu Joven Pangilan kasama ang kanyang maybahay na si Kagawad Bai Laina Piang Pangilan ang pagtu-turnover ng baril sa mismong barangay hall ng lugar.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting


Sinabi ni Kapitan Pangilan na ang naturang baril ay dinala sa kanya ng isa nitong kabarangay at sa halip na itago ito at ingatan ay minabuti nyang iturnover sa barangay para hindi na makapaminsala.


Nilinaw ng opisyal na walang anumang hininging kapalit ang kanyang kabarangay kaya naman labis labis ang kanyang pasasalamat dito.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port


Pinuri naman ni Col. Estares ang liderato ni Kapitan Pangilan at nanawagan ito sa mga Cotabatenos na nag iingat ng mga loosefirearms na iturnover na ito sa mga otoridad upang hindi maging problema sa hinaharap. (Jom Dimapalao)