Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na hindi hahantong sa giyera ang lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng pinakahuling pangha-harrass ng China sa barko ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang agresibong aksyon ng People’s Liberation Army Navy, Chinese Coast Guard, Chinese Maritime Militia ay palaging hindi lumalagpas sa threshold of conflict at hindi umaabot sa punto na sila ang mag-e-escalate ng sitwasyon.
Tiniyak ni Trinidad na hindi magpapatinag ang mga militar sa pagganap ng kanilang mandato na protektahan ang teritoryo ng bansa sa paraang naayon sa rules of engagement at international law.