Nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Bongbong Marcos kaninang umaga ang RA 12023 o Value Added Tax on Digital Services law.
Ibig-sabihin, sisingilin na ngayon ng 12% na buwis ang mga foreign digital service provider na nag aalok ng digital services tulad ng digital media, digital music, digital video, video on demand at digital advertising.
Sa kanyang talumpati, nilinaw ni Pangulong Marcos na hindi ito pagpapataw ng panibagong buwis kundi pinapalakas lang ang otoridad at pinapadali ang proseso ng BIR na mangolekta ng value added tax sa mga foreign digital services.
Ayon pa sa Pangulo, inaasahang makakakolekta ang bansa ng 105 billion pesos sa susunod na limang taon na magagamit para makapagpatayo ng 42 thousand classrooms, mahigit anim na libong rural health unit at makakapag pagawa ng hanggang 7 thousand km na farm to market road.
Hindi kasama sa papatawan ng VAT ang mga educational at public interest services tulad ng online courses, webinars at iba pang digital educational offerings.
Bukod pa rito, 5% ng kita mula sa nasabing batas ay ilalaan sa creative industries. Nangangahulugan na direkta rin itong mapapakinabangan ng mga artist, film makers, at musicians.