Mga local political aspirants – nag-file na rin ng COC

Umarangkada na ngayong Miyerkules ang ikalawang araw ng filing ng Certificates of Candidacy para sa nalalapit na May 2025 National and Local Elections.

Sa COMELEC NCR office sa San Juan, nagfile ng kanilang kandidatura sa pagka kongresista sina Giselle Maceda sa 4th District ng Maynila, Re-electionist na si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano, at si Dating Malabon City Mayor Antolin Oreta III.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Sa Manila Hotel Tent City naman, 2 party list na ang naghain ng kanilang kandidatura, ang Kumadrona Party List at United Seniors Citizens Party List.

Ngayong araw din nagtungo sa tanggapan ng Comelec sa Caloocan si incumbent Mayor Along Malapitan para maghain ng kanyang COC sa pagka-alkalde sa kanyang ikalawang termino.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Bukas naman inaasahan maghahain ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde si Manila Mayor Honey Lacuna Pangan.

Magtatagal ang COC filing hanggang sa Oktubre 8, 2024.