Floating community pantry inilunsad sa Balatan, Camarines Sur

[embedyt] https://www.youtube.com/watch?v=B8BPqfe0BLo[/embedyt]

NAGA CITY- Level up ang Community Pantry sa Balatan Camarines Sur; walang lamesa kung saan nakalatag ang mga gulay, bigas, itlog at iba pang pagkain, walang mahabang pila at hindi rin ito door-to-door kundi boat-to-boat. Ito ang bersyon ng Philippine Coast Guard.

Kahapon inilunsad sa lugar ang kauna-kaunahang Floating Community Pantry sa probinsya.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Chief Petty Officer Alex Lumbre, ang station commander ng Coast Guard Sub-Station Balatan, sinabi nitong noong una may umakalang may violations ang sila nalaman na lamang na may ayuda pala ang PCG.

Umabot sa 75 na mangingisda ang nabigyan ng tig-dadalawang kilo ng bigas, may mga gulay pa, mismong ang PCG ang dumayo sa laot.

Pagbabahagi ni Lumbre, masisiyahan ang kanilang puso nang makita ang ngiti  ng mga mangingisda.

Bukas naman ang PCG sa mga nais mag-paabot ng tulong para sana sa 2nd wave nito. Katulong nina Lumbre ang ilang mga opisyal ng Barangay at donors.

Katuwang din sa aktibidad ang  907th PCGA Squadron at Bantay Dagat.

Tema rito, #Bayanihan sa Karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *