Flights papunta sa mga ‘Odette-hit areas’ kanselado pa rin ngayong araw

Kanselado pa rin ang ilang mga flights sa iba’t-ibang lugar sa bansa ngayong araw dahil sa bagyong Odette.

Ayon sa Cebu Pacific Airline kabilang sa mga suspendidong biyahe ay papuntang Cebu, Bohol at ilang lugar na naapektuhan ng bagyo.

Read More:  2 reported dead as Inday-enhanced monsoon hits Mindanao

Sa anunsiyo naman ng Air Asia, nasa 24 flights ang kanselado at nasa 2,000 pasahero ang naapektuhan.

Sinabi naman ng mga airlines company na maaring magparefund ang mga naapektuhang biyahero ng walang karagdagan bayarin.

Read More:  Romualdez camp says Bonoan may be pressured to link former speaker to flood control probe

Umapela naman ang mga airlines na huwag nang pumunta sa mga airport kapag nakatanggap na nang notice na cancelled ang kanilang flights.