4 NPA patay sa engkwentro sa Masbate

SORSOGON CITY – Apat na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro dakong alas 5:50 ng umaga, Disyembre 17, sa boundary ng Brgy Baras, Esperanza at Brgy Manlut-od, Placer, Masbate.

Ayon sa 9th Infantry Division, rumesponde umano ang pinagsamang puwersa ng Placer Police at 2nd Infantry Battalion sa tawag ng isang concerned citizen tungkol sa presensiya ng nasa 20 armado sa kanilang lugar.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Nang magkamataan ay nagkapalitan na ng putok ang dalawang panig.

Makaraang humupa ang putok at sa clearing operations ay natagpuan ang mga labi ng apat na rebelde.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Nakuha sa kanilang labi at sa lugar ng pinangyarihan ng engkwentro ang 5 high powered firearms, isang low powered firearms, dalawang RPGs, isang hand grenade, anti-personnel mines at subersibong dokumentos.

Nagpapatuloy ang pursuit operations sa mga tumakas na rebelde habang inaaalm pa ang pagkakilanlan ng mga nasawi.

Image: ctto