DPWH puspusan ang clearing ops sa 15 ‘unpassable’ national highways

Tuloy-tuloy ang isinasagawang clearing operations ng Department of Public Works and Highways sa mga kalsadang naapektuhan ng pagtama ng bagyong Odette.

Ayon kay DPWH Sec. Roger Mercado nakikipagtulungan ang kanilang ahensiya sa mga LGUs upang madaanan ang mga kalsadang hindi naging ‘unpassable’ dahil sa nagtumbahang mga puno at poste.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Tiniyak naman ni Mercado na madadaliin nilang ang clearing operation at tatapusin ito sa loob ng dalawang araw.

Sa tala ng DPWH nasa 15 national road ang hindi madaanan ng kahit anong sasakyan habang nasa apat na road section naman ang limitado ang nakakadaan dahil sa baha, landslide, nabuwal na puno at nasirang mga tulay.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Ibinahagi naman ni Mercado ang kalagayan ng kanyang mga kababayan sa Southern Leyte na nananawagan ng agarang tulong matapos na salantain ng bagyong Odette.

Ayon kay Mercado na dati nang nagsilbi bilang gobernador ng Southern Leyte, ang bagyong Odette ang pinakamalakas na bagyong naranasan sa kanilang lugar.