Mas lalo pang bumilis ang internet speed sa bansa nitong buwan noong Hulyo.
Batay sa Ookla Speedtest Global Index, patuloy na bumubuti ang internet service sa Pilipinas.
Lumabas sa pagsusuri ng Ookla na ang fixed broadband speed noong July 2021 ay tumaas matapos makapagtala ng 71.17Mbps kumpara sa 66.55Mbps noong Hunyo.
Nagpapakita ito ng 6.94 percent na month-to-month improvement sa download speed para sa fixed broadband at 799.75% na improvement mula nang magsimula ang Duterte administration noong 2016.
Ayon pa sa ulat ng Ookla, bumuti din ang mobile speed noong Hulyo dahil umabot sa 33.69Mbps ang naitalang download speed kumpara sa 32.84Mbps noong Hunyo.
Kumakatawan ito sa 2.59% na month-to-month improvement para sa mobile internet at improvement na 352.82% mula nang mag-umpisa ang Duterte administration.
Nasa pang-63 na ngayon mula sa 180 na bansa sa mundo ang fixed broadband speed sa Pilipinas. Habang pang-72 naman mula sa 139 na bansa sa mundo pagdating sa mobile internet.
Sa 50 mga bansa naman sa Asya, nasa pang-17 ang Pilipinas sa fixed broadband at pang-23 sa mobile.
Sa 46 na mga bansa sa Asia-Pacific, pang-14 ang Pilipinas sa fixed broadband at pang-13 sa mobile.
Panglima naman ang Pilipinas sa sa fixed broadband at mobile internet mula sa 10 mga bansa sa ASEAN,
Kung maaalala noong July 2020, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat pabilisin ang pag-iisyu ng permit ng LGUs sa pagtatayo ng mga tower, ay malaki ang itinaas ng mga permit na naipapalabas.