First Lady – walang kinalaman sa resignation ni VP Sara

Mahabang usapan ang kakailanganin para mapag-usapan ang dahilan kung bakit nagbitiw sa puwesto si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ito ang naging pahayag ni Duterte nang matanong hinggil sa biglaan nitong pagre-resign sa ahensya noong nakaraang buwan.

Read More:  Palace urges public not to hoard bottled water amid super El Niño

Ayon kay Duterte, kailangan ng sitdown discussion para rito dahil medyo mahabang kwento na ito.

Pero ang pinakapinupunto niyang dahilan ay ‘personal’ at dahil sa ‘trabaho.’

Read More:  COMELEC warns of BSKE delays if Supreme Court issues TRO

Buhol-buhol at halo-halo na rin aniya ang mga dahilan dito.

Samantala, nilinaw ni Duterte na walang kinalaman si First Lady Liza Araneta-Marcos sa desisyong pagre-resign niya bilang DepEd secretary.