DOJ – inaresto ang umano’y nagbenta online ng isang six-day old na bata sa halagang P25K

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakaaresto sa isang indibidwal matapos magbenta ng six-day old baby sa halagang P25,000 gamit ang social media.

Ayon sa DOJ, naaresto ng National Bureau of Investigation Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang isang babae sa entrapment operation sa Muntinlupa City noong July 16.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Ito ay matapos makatanggap ng ahensya ng impormasyon mula sa Cyber-Tip Monitoring Center na may indibidwal na umano’y nagbebenta ng sanggol sa internet.

Matapos ang pagkalap ng impormasyon at pagsasagawa ng verification, nakipag-ugnayan na ang undercover agent ng NBI sa babae na nagpakilalang isang midwife.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Nag-meet up umano ang mga ito sa Muntinlupa, kung saan din nahuli ang babae.

Samantala, nai-turn over na ang baby sa DSWD.