Iba’t ibang grupo ng mga negosyante – hati ang reaksyon pagba-ban sa POGO

Magkahalong opinyon ang mayroon ang ilang grupo pagdating sa pagba-ban ng POGO sa bansa.

Suportado ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang mungkahi ng ilang mga business at socio-civic organizations sa ‘tiered phaseout’ sa mga POGO.

Ayon sa PCCI, ang ‘total ban’ ay posibleng magdulot ng kawalan ng trabaho.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Ang biglaang closure umano ng POGO ay makaaapekto sa commercial property sector.

Samantala, iginiit naman ng Makati Business Club (MBC) at ng ilang business groups na maliit lamang ang kotribusyon ng POGO sa ekonomiya ng bansa.

Read More:  DSWD completes nationwide distribution of P5,000 fuel assistance

Sinasabi rin nito na ang POGO investments ay maaring maging hadlang sa paglago; makaapekto sa investor perception; at maaari ring makaapekto sa bilateral at multilateral relations.

Sinusuportahan umano nila ang rekomendasyon nina Finance Secretary Ralph Recto at NEDA Secretary Arsenio Balisacan na i-total ban na ang mga POGO.