Insidente ng mga batang nagpapa-dialysis, dumarami na

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na marami nang mga kabataan ngayon ang nagpapa-dialysis.

Binanggit ni Maita Bobis, Family Health Cluster head ng nasabing ahensya, sa kanyang mensahe na mayroong isang taong lumapit sa kanya upang humingi ng tulong para sa labingwalong taong gulang na anak nito na sasailalim sa dialysis.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Aniya, halos wala na ring mapuntahang mga dialysis centers dahil punung-puno ang mga schedule sa dami ng mga sumasailalim dito.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kung kaya, paalala ni Bobis na maging maingat sa pagpili ng mga kinakain lalung-lalo na ngayong darating ang kapaskuhan upang maiwasan ang hindi inaasahang mga karamdaman.

Samantala, wala pa namang ibinibigay na datos ang ahensya tungkol sa mga mga nagpapa-dialysis.