Aprubado na ng lokal na pamahalaan ng Cauayan ang resolusyong naglalayong bigyan ng financial assistance ang lahat ng kwalipikadong nangungupahan sa Primark Cauayan City.
Ito ang kinumpirma ni Cauayan City Councilor Edgardo Atienza Jr, ang author ng resolution sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.
Ayon kay SP Atienza, ito ay matapos makatanggap ang City Mayor Office ng request letter sa mga nagungupahan sa Primark Cauayan kung saan hiniling nila na matulungan sila sa pagbabayad ng upa para sa kanilang stall.
Ito rin aniya ay para bigyan ng tulong pinansyal ang mga nagbebenta na labis na naapektuhan ng COVID 19 Pandemic.
Nasa 1,099 na kwalipakadong tenants ang na-identify at navalidate ng Business Permit and Licensing Office kung saan kada limang taon ay may binabayarang 16,000 hanggang 25,000 per stall para sa kanilang joining fee.
Makakatanggap ang mga ito ng nasa 5,495 pesos kada nangungupahan sa mga susunod na araw kung saan nasa 5.5 milyon ang inilaan na pondo rito ng LGU.
Kasabay nito, patuloy naman nagpapalala si SP Atienza na maging updated ang kanilang mga dokumento sa kanilang mga business houses.
Magugunita na unang umarangkada ang tulong sa mga stall owners ng Primark Cauayan noong nakaraang taon kung saan na-waive ang kanilang bayad ng upa sa isang buwan.