Nilinaw ni Finance Secretary Benjamin Diokno na magpapatuloy ang targeted financial assistance, pero hindi general “ayuda” na katulad sa ibinibigay ngayon sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 laws.
Ang pahayag ni Diokno ay matapos mausisa ni Senator Alan Peter Cayetano ang naunang pahayag nito sa House of Representative, nang sabihin ng kalihim na ang pagbibigay ng ayuda kaugnay sa pandemya, ay aksaya lang sa pondo.
Binigyang diin ni Cayetano, na kung tatargetin lang ng gobyerno ang tamang pamilya at negosyo, gaya ng sari-sari stores, eateries maging ng public utility vehicle drivers, ay magiging “effective tool” umano ang assistance para sa recovery.
Sa gitna nito, nanindigan parin si Diokno na ang “pandemic-related ayudas” sa panahon ngayon, ay aksaya na sa pondo.
Giit kasi ng Finance secretary, lubusan nang nakarekober ang ekonomiya ng bansa, na ngayon umano ay nasa 2019 level na.
