LEGAZPI CITY – Inihayag naman ng kaparehong ahensiya na sa anim na lalawigan ng Bicol, dalawa rito ang nakitaan ng mabilis na pagtaas ng inflation rate.
Ayon kay Coney Frances Baleda, Statistical Specialist II ng PSA Bicol, nakuha ng lalawigan ng Masbate ang pinakamataas na inflation rate, kung saan umabot ito sa 8.2% at sinundan naman ng Camarines Sur na may 7.1%.
Aniya, nilampasan pa ng dalawang nabanggit na lalawigan ang inflation rate sa rehiyon nasa 6.3% lamang. Dagdag pa rito, nakapagtala rin ang apat na natitirang lalawigan ng mas mababang porsyento ng inflation, kung saan, naitala sa Camarines Norte ang 4.6% na inflation rate, Albay at Catanduanes mayroong tig-5.3%, habang ang Sorsogon ay 5.6%