Final testing and ceiling ng vote counting machine (VCM) isasagawa sa buwan ng Mayo- COMELEC Legazpi

LEGAZPI CITY – Pinaghahandaan na ng Commission on Election (COMELEC) Legazpi ang isasagawa na Final and Testing ng Vote Counting Machine (VCM) sa buwan ng Mayo.

Ayon kay Atty. Fatima Gados Pani Agua, ang Acting Election Officer IV ng nasabing opisina, susubukan nang etest ang mga VCM sa mga polling precincts sa lungsod para sa darating na Mayo 3 2022.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Ang mga VCM na etetest ay ito rin ang gagamitin para sa nalalapit na election. Layunin nito ay para malaman kung ano ang magiging problema ng mga vcm at kung ito ay gumagana ang nasabing machine.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Dahil dito maiiwasan na rin sa araw ng mismo ng botohan ang pagkakaroon ng pagkaantala o pagkasira ng vcm.

Aabot sa 212 na cluster precincts at 212 na vcm rin ang isasailalim sa Final and Testing ng Vote Counting Machine sa mga polling precincts.