Filipino boxer Astrolabio, nakatakda makaharap si Rigondeaux – report

Posibleng makuha ni Filipino knockout artist Vincent Astrolabio ang pinakamalaking laban sa kanyang karera kung makukuha ng kanyang team ang date para makaharap si dating bantamweight champion Guillermo Rigondeaux.

Batay sa BoxingScene.com, inilatag na ang plano para kunin si Astrolabio na may 16-3, 12 knockouts, upang makaharap sa ring si Rigondeaux sa February 26 sa Dubai, United Arab Emirates.

Read More:  Carlos Yulo finishes eighth in floor exercise at Artistic Gymnastics World Championships

Si Astrolabio, na nagsanay sa Manny Pacquiao Boxing Gym sa Davao, ay nasa four-fight winning streak kung saan, lahat ng mga ito ay nagtapos sa KO.

Read More:  Alex Eala set for Diana Shnaider rematch in Pan Pacific Open quarterfinals

Nabatid na ang huling laban ng 24-anyos na boksingero ay nagtagal lang ng single round nang tapusin nito sa Jerry Pabila sa kanilang super bantamweight eight-rounder.

Kaugnay nito, naniniwala naman si MP Boxing Gym coach Nonoy Neri na matatalo ni Astrolabio nito si Rigondeaux na may record na (20-2, 13 KOs).