Filipinas midfielder Katrina Guillou, opisyal ng parte ng Hammarby IF

Nakumpleto na ni Filipinas midfielder Katrina Guillou ang paglipat sa Swedish professional football club na Hammarby IF.

Naglaro si Guillou ng tatlong season kasama sa Piteå IF sa Swedish Damallsvenskan, na umiskor ng 12 goals sa 61 na appearances.

Ayon sa Hammarby sporting director na si Johan Lager, masaya siyang dalhin si Katrina sa koponan, lalo na’t maraming beses na silang nagkita nitong mga nakaraang taon

Ang 30-anyos na si Guillou ay isang mainstay ng Philippine women’s national football team, na naging bahagi ng Filipinas squad na lumaban sa FIFA Women’s World Cup 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *