Fil-Canadian swimmer Kayla Sanchez, kakatawan sa Pilipinas sa upcoming international events

Kakatawan ang Filipino-Canadian swimmer na si Kayla Sanchez sa mga susunod na laban ng Pilipinas sa international events.

Matatandaang naiuwi ni Sanchez ang silver medal sa 4x100m freestyle at bronze medal sa 4x100m medley sa Tokyo Olympics sa ilalim ng Team Canada.

Wi-nelcome ng Philippine Swimming, Inc. (PSI) ang naturang manlalaro kung saan inihayag nila na posible itong sumabak sa 2024 Paris Olympics.

Samantala, nanalo na din si Sanchez sa 15th FINA World Swimming Championships 25meter-division sa Abu Dhabi at sa 19th FINA World Championships na ginanap naman sa Hungary.

(ARGIE ERGINA)