FIBA WCup qualifiers: Sotto, Kouame pangungunahan ang Gilas pool sa Jordan, Saudi

Pangungunahan nina Kai Sotto at Ange Kouame ang Gilas Pilipinas national basketball pool sa Jordan para sa FIBA World Cup Asian qualifying games, at sa Saudi Arabia.

Makakaharap ng Pilipinas ang Jordan sa November 11, at ang Saudi Arabia naman sa November 13.

Sa ngayon, puspusan ang paghahanda ng Gilas para sa nalalapit na laro laban sa Jordan, kung saan partikular na tinututukan ang kanilang defensive schemes, laban sa isa sa pinaka-formidable teams sa Middle East.

Sa pangunguna ng naturalized player na si Dar Tucker na isang shooting guard, at backcourt partner nito na si Freddie Ibrahim, maging ang 6-foot-10 na si Ahmad Al-Dwairi, ay dalawang puntos nalang ang kulang ng Jordan para maabot ang championship round ng FIBA Asia Cup ngayong taon.

Samantala, ang ibang star players ng Gilas sa B. League ay kinabibilangan nina Dwight Ramos, Ray Parks at Thirdy Ravena, at sasamahan ng iba pang pool members ng squad, na karamihan ay mula sa Philippine Basketball Association, na kinabibilangan nina reigning MVP Scottie Thompson at kanyang Barangay Ginebra teammates Japeth Aguilar at Jamie Malonzo, CJ Perez ng San Miguel Beer, Roger Pogoy, Calvin Oftana at Poy Erram, Arvin Tolentino ng NorthPort. //MHEL PACIA