Iraq, ikinokonsiderang ibalik ang military conscription

Bubusisiin ng mga mambabatas sa Iraq ang panukala na naglalayung muling ibalik ang military conscription sa bansa.

Mababatid na ang service sa armed forces ay mandatory sa Iraq mula 1935 hanggang 2003, nang mapabagsak ng US-led invasion ang dating diktador na si Saddam Hussein.

Read More:  Container port congestion in Asia may drive freight rates higher through 2027

Ang naturang panukala, ay magbibigay daan para sa conscription sa mga batang kalalakihan na may edad 18 hanggang 35 taong  gulang, para sa mga termino sa pagitan ng tatlo at 18 buwan, depende sa kanilang education level.

Read More:  Philippine Consulate in Los Angeles warns Filipinos of extreme heat wave

Tatanggap ang mga ito ng allowances mula 600,000 hanggang 700,000 Iraqi dinars (o mahigit $400). //MHEL PACIA