Fetus natagpuang palutang-lutang sa San Jose, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Kaawa-awa ang lagay ng isang lalaking fetus nang matagpuan ng mga mangingisda at naliligo sa sa Barangay Adiangao, San Jose Camarines Sur. Nakakabit pa rito ang umbilical cord at fully developed na.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCPT. Ryan Ocampo, Acting chief of Police ng naturang bayan, iniimbestigahan  nila kung sino ang magulang ng nasa 6-7 buwan nang fetus.  Inaalam din kung sa dagat nanganak, itinapon lamang doon o inanod mula sa bayan ng Lagonoy at Presentacion. Kapag natapos na ang imbestigasyon saka matutukoy ng PNP ang isasampang reklamo.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ayon naman sa Municipal Social Welfare and Development Office, iniisa-isa ang mga nakatalang buntis sa Barangay pero wala pa namang nanganganak. Ayon kay  MSWD Officer Delsy Alarcon, panay naman ang pangaral nila sa mga kabataan at magulang na mali ang pag-aabanduna ng sanggol o ng bata. Bukas ang kanilang opisina para sa mga kailangan ng gabay sa kanilang problema.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental