Federation of Free Farmers – aminadong may mga traders na nagbebenta ng Palay sa NFA na mahigpit na ipinagbabawal

Aminado ang Free Farmers Cooperatives, Inc. (FFFCI) na may mga trader talaga na nakapagbebenta ng Palay sa National Food Authority (NFA) lalo na sa may mga koneksyon kahit na mahigpit itong ipinagbabawal.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Raul Montemayor, National Manager ng FFFCI, sinabi nito na may ilang mga kooperatiba ng magsasaka na rin ang natutong dumiskarte dahil sa hirap ng buhay.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Montemayor, limitado ang bilang ng sako ng Palay na maaring ibenta ng kooperatiba at magsasaka sa NFA para na rin mapagbigyan ang lahat ngunit dahil na rin sa transfortation cost ay napipilitang ibenta ng mababa sa mga trader.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Nanawagan naman ang FFFCI na sana’y tuluyan ng alisin ang price cap sa bigas sa kasagsagan ng itinalagang buying price Palay na bibilihin ng NFA para naman makabawi-bawi sa kita ang mga magsasaka sa bansa.