FDA: 0.0025% lang mula sa 20.3M fully vaxed Filipinos ang nahawa sa COVID

Ibinahagi ng Food and Drug Administration (FDA) na tanging 516 katao lang mula sa 20.3 million na mga fully vaccinated Filipinos ang nahawa sa COVID-19 as of September 26.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang 516 indibidwal ay nagpostibo mahigit 14 na araw matapos makompleto ang inirerekomendang doses ng bakuna.

Sa gitna nito, 14 sa kanila ang nasawi dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Domingo na karamihan sa mga fatalities ay mga senior citizens at mayroong comorbidities.

Dagdag ng opisyal, na ang 849 katao na nakatanggap ng kanilang first dose ay nagpositibo sa virus bago pa man matanggap ang second dose habang 126 indibidwal ay nagpositibo sa loob ng dalawang linggo matapos makuha ang kanilang last dose. //MHEL PACIA-TRINIDAD