Tatakbo pagkapangulo ang dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Ernesto Abella sa 2022 polls.
Si Abella na nagsilbi rin bilang undersecretary ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay tatakbo bilang independent candidate.
Ayon sa dating spokesman, ipinaalam umano niya sa pangulo ang naturang plano sa pamamagitan kay Senator Bong Go.

Dagdag nito, ikinokonsidera umano niya ang kanyang presidential run bilang “call” mula sa mga indibidwal na nagpahayag ng pagiging bukas nang ibahagi niya ang kanyang mga intensyon.
Aminado naman si Abella na wala siyang political backers na nangakong susuporta para sa kanyang kampanya. //MHEL PACIA-TRINIDAD