Faulty electrical wiring, pinaniniwalaang sanhi ng sunog sa isang paaralan sa Masbate

Umabot sa tatlong classrooms ang natupok sa sunog noong Marso 13 sa Dimasalang Central School, Dimasalang, Masbate.

Ayon sa BFP Masbate, ‘faulty electrical wiring ang naging sanhi ng sunog na nagsimula sa kisame ng nasabing silid-aralan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ayon naman sa ilang mga guro ng nasabing paaralan, marami umanong daga sa kanilang kisame at baka nginatngat nga ng mga daga ang mga kable ng kuryente.

Wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing sunog dahil nagkataon umano na lunch break ng mga guro at estudyante ng sumiklab ang apoy.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Tinatayang nasa P1.4M ang naging pinsala ng sunog.

Pina-assess na ng DepEd Masbate sa mga kagawad ng pamatay sunog ang pinsala sa nasabing paaralan.