Farmers’ group: pag-aralan pang mabuti ang RCEP bago ratipikahan

Hinimok ng agricultural group ang mga mambabatas na pag-aralan pa ng mabuti ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) para malaman kung anu ang mga advantages at disadvantages nito, lalo na para sa mga magsasakang Pilipino.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Para kasi kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So, wala umano silang nakikitang anumang advantage dahil mas nakatuon ang gobyerno sa pag-aangkat.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na target ng Mataas na Kapulungan na ratipikahan ang RCEP bago ang Holy Week break ng Kongreso sa March 24.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Sa ilalim ng RCEP, nakikitang luluwag ang trade sa goods and services sa mga miyembro nito sa pamamagitan ng moderno, komprehensibo, at mutually beneficial economic partnership.