Pinangalanan na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang 16 na players na bubuo sa Gilas Pilipinas pool sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam mula May 12 hanggang 23.
Pagbubunyag ni national team head coach Chot Reyes na ang PBA players na sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Poy Erram, Mo Tautuaa, Troy Rosario, RR pogoy, Matthew Wright, Kevin Alas, Robert Bolick, at Kib Montalbo ang mangunguna sa cast.
Makikilahok rin sa kanila ang Japan B. League imports na sina Thirdy Ravena at Dwight Ramos.
Pasok rin sa listahan sila Wil Navarro, Lebron Lopez, at Caelum Harris.

Dagdag ni Reyes na sa ngayon, hindi pa nila mapapangalanan ang final 12 roster, pero ang naturang pool umano ang nakikita nilang makakapagbigay ng magandang pagkakataon na manalo ng gold sa SEA Games.