2.5 million katao na ang lumikas sa Ukraine — UN

Papalo na sa 2.5-M indibidwal ang lumikas sa Ukraine, simula nang lusubin ito ng Russia, habang may isa pang dalawang milyon naman ang internally displaced dahil sa naturang giyera.

Kaugnay nito, sinisi ni UN Refugee Agency’s chief Filippo Grandi ang mass displacement sa tinawag nitong “senseless war” na nagsimula noong February 24.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sinabi naman ni Paul Dillon, tagapagsalita ng UN’s International Organization for Migration, na kasama sa 2.5-M katao na lumikas sa Ukraine ang 116,000 nationals mula sa ibang mga bansa.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Bago ang paglusob ng Russia, nasa mahigit 37 million katao ang nakatira sa Ukrainian territory sa ilalim ng control ng central government sa Kyiv.

Mahigit kalahati dito ang lumikas papuntang Poland.