Novak Djokovic, nagwithdraw mula sa Indian Wells dahil sa vax status

Umatras si world number two Novak Djokovic mula sa BNP Paribas Open sa Indian Wells, sa harap ng bagong setback para sa player, dahil sa pagtanggi nito na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ang Serb na otomatikong naisama sa listahan ng draw para sa tournament ay batid na hindi siya makakalusot papasok ng United States.

Dahil dito, ang Bulgarian na si Grigor Dimitrov ang papalit sa pwesto ni Djokovic sa draw, bago ang pagsisimula ng unang round ng Masters 1000 tournament sa Huwebes.

Matatandaan na hindi nakapaglaro si Djokovic sa Australian Open, matapos na idetene siya ng immigration authorities noong Jan. 6, na nag-udyok sa legal rollercoaster ride hinggil sa COVID-19 entry rules ng bansa, na naging dahilan para kanselahin ang kanyanga visa.