Face shield, pwedeng tanggalin sa open spaces- DOH exec

Pwede umanong tanggalin ang face shields pag nasa labas ng bahay dahil mababa ang banta ng COVID-19 transmission sa open spaces.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega nang matanong kung pwede bang tanggalin ng mga manggagawang nagtatrabaho sa labas ang kanilang face shields pag naka-duty.

Ayon kay Vega, kakailanganin ang face shields pag nasa loob ng mall, o may kausap ng face-to-face sa loob ng isang establisyemento.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Pero pwedeng ma-distract ang mga workers sa moisture na nabubuo sa face shields pag sila ay nagtatrabaho.

Una nang hinimok ni Manila Mayor Isko Moreno ang national government na pag-isipan muli ang pagre-require sa publiko na magsuot ng face shields sa labas ng bahay.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Pero nanindigan si Health Secretary Francisco Duque III na kailangang patuloy na magsuot ng face shields ang mga Pilipino dahil mababa pa ang COVID-19 vaccination coverage sa bansa at may scientific basis umano ang pagsusuot ng face shield laban sa banta ng COVID-19.