Umabot na sa 420,000 doses ng COVID-19 vaccine ang naipadala sa aRegion 10 o Northern Mindanao.
Ito ang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon matapos ang reklamo ni Cagayan de Oro lawmaker and Deputy Speaker Rufus Rodriguez na pinabayaan umano ng gobyerno ang Mindanao sa COVID-19 response dahil sa kakulangan ng COVID-19 supply.
Ayon kay Dizon, 56,000 doses ng vaccine ang napadala sa rehiyon kahapon.
Sa bilang na ito, 35,000 ang Pfizer-BioNTech doses habang ang 21,000 ay Sinovac doses.
Giit ng opisyal, walang pinapabayaan ang gobyerno sa COVID-19 response.
Kulang pa rin aniya ang vaccine suplay sa Pilipinas pero agad namang ibinibigay ang mga bakuna sa mga nangangailangan nito.
Aniya, ang vaccine distribution ay batay sa may pinakamataas na risk of infection o ang mga densely populated cities at mga areas na may malaking ambag sa ekonomiya kaya pina-prayoridad ang Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao.
Mababatid na mariing itinaggi ng Palasyo ang alegasyong dahil sa ilang mga opisyal ng gobyerno kung bakit tumaas ang COVID-19 cases sa Mindanao.
=====
