Lusot na sa third at final reading ng Sangguniang Panlalawigan ang ‘Eye Care, We Care’ program ng Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon o ang Provincial Ordinance No. 17-2023, ang komprehensibong Provincial Eye Care Program ng lalawigan upang maiwasan ang ‘avoidable blindness’ at ‘visual impairment’ na posibleng maranasan ng mga Sorsoganon.
Ang nasabing hakbang ay bahagi ng pagkokumpleto ng mga programang pangkalusugan sa ilalim ng 7K flagship program ng Pamahalaang Lalawigan.
Matatandaan na sinabi ni Commitee on Health Chairman at 2nd District Board Member Roland Anonuevo na karamihan sa mga lalawigan sa Bicol ay wala pang eye care program, gayundin ang pagkakaroon ng mga Opthalmologists na mangangasiwa sa programa.
Ayon pa kay Anonuevo, base sa datos nila, nasa 16K ang bilang ng mga visually impaired na Sorsoganon na mabebenipisyuhan ng programa.
Magkakaroon umano ng mga Opthalmologists sa tatlong District Hospitals ng lalawigan sa pagpapatupad ng programa.
