Mga barangay opisyal sa Naga City nakahinga ng maluwag matapos na makaligtas sa bagsik ng Bagyong Betty

NAGA CITY – Nakahinga ng maluwag ang mga barangay opisyal sa Naga City matapos na hindi maramdaman ang bagsik sanang dadalhin ng super typhoon na si Betty na may international name na Mawar.

Partikular na nagpaabot ng pasasalamat ay mga opisyal sa upper barangay kabilang na Panicuason, na ayon sa talaan ng City Disaster Risk Reduction Management Office ay binabaha ang mismong elementrary school sa naturang lugar.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kinumpirma naman ito ni Panicuason Punong Barangay Domingo Ramos sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Naga.

Ayon sa Kapitan, maliliit kasi ang drainage sa paaralan nila kaya madaling umapaw ang tubig, na dumidiretso rin sa mga kabahayan sa Zone 4 at bahagi ng Zone 3 ng barangay.

Kung natuloy aniya ang bagyo tiyak na maraming mapeperwisyo sa barangay niya, bukod sa mga bahay, kundi maging sa mga pananim nila, tulad ng mga gulay,mais at mga palay.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Ang pagragasa ng lupa na galing sa bundok didiretso aniya sa barangay nila, muling mangyayari kung tumuloy ang bagyong si Betty sa Camarines Sur, sabi ni Ramos.

Dumulog na rin sila sa City Government hinggil sa problema nila sa drainage.