Ibinasura ng Korte sa Timor Leste ang hiling ng gobyerno ng Pilipinas na mapauwi si dating Congressman Arnie Teves.
Sa Pandesal Forum, ipinakita ng legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio ang dokumentong nagsasabi na null at void ang extradition request ng pamahalaan.
Batay ito sa petisyon umano ng plenaryo ng Court of Appeals ng Timor Leste.
Ibig sabihin, hindi pa makababalik ng bansa si Teves – taliwas sa sinabi ng Department of Justice (DOJ).