Dry Run para sa 100% cashless toll sa CAVITEX, nagsimula na

Nagsimula na ang Public Estate Authority (PEA) Tollway Corporation para sa dry run ng 100% cashless toll sa Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX).

Ang lahat ng mga motorista na dadaan sa CAVITEX Toll sa Parañaque at Kawit, Cavite ay dapat mayroong Radio Frequency Indentification (RFID) stickers sa kanilang mga sasakyan.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Ibig-sabihin, wala nang magiging available na mga cash lanes habang isinasagawa ang naturang dry run.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes

Samantala, pagkatapos ng dry run, lahat na ng mga motor vehicles na walang RFID stickers ay magmumulta ng P1,000 para sa first offense, P2,000 sa second offense, at P5,000 naman sa mga susunod na paglabag.