Exposure ng dalawang bagong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes “unknown”

Nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte batay sa ulat ng Department of Health (DOH) kamakalawa.

Pero kahapon lang nakapagpalabas ng opisyal na pahayag ang Lokal na Pamahalaan.

Si Bicol No 16371 ay isang 21 anyos na babae mula sa Barangay 6. Noong June 16, nagpositibo ito sa Rapid Antigen Test kaya noong June 21 ay kinunan ng specimen sample para sa RT- PCR test.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Lumabas ang resulta ng kaniyang RT- PCR test na nagsasabing positibo ito sa sakit noong June 23.

Si Bicol No 16371 ay walang sintomas, “unknown” ang travel history at gayundin ang ang history of exposure na ngayon ay naka- isolate sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Habang si Bicol No 16732 naman ay isang 70 anyos na lalake mula sa Barangay San Roque.

Nakaranas ito ng hirap sa paghinga, lagnat, ubo at panghihina ng katawan noong June 15. Nagpositibo ito sa Rapid Antigen Test noong June 18 kaya’t isinailalim sa RT- PCR test at lumabas na positibo ang resulta noong June 23.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Naka- isolate ngayon ang pasyente sa CNPH.

Sina Bicol 16371 at  16732 ay ang ika- 43 at 44 na kaso ng sakit sa naturang bayan.