Expert, nagbabala ng India-like situation sa Bicol, kung…

Nagbabala ang isang eksperto na posibleng maranasan ng Bicol region ang COVID-19 surge na kapareho sa nangyari sa India, sakaling hindi ito ma-contain sa lalong madaling panahon.

Ayon sa presidente ng Philippine College of Physicians sa rehiyon, napupuno ang mga ospital sa naturang lugar.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Sa katunayan, puno na ang isolation at intensive care unit beds sa Bicol Medical Center, Bicol Regional Training and Teaching Hospital, at sa Bicol Pediatric Center.

Dagdag ni Dr. Eloisa Pornillos, marami pa ang nasa waiting list, kung saan ang iba namamatay na lang umano sa kakahintay.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Paliwanag nito, kaya napupuno ang ilang mga ospital dahil ayaw magpadischarge ang ilang pasyente at ayaw na mailipat sa quarantine facilities.

Kaugnay nito, sumulat narin umano sila sa Inter-Agency Task Force para payagan ang home quarantine para sa may mga kakayahan para dito. // MHEL PACIA-TRINIDAD